^

Police Metro

Chinese Coast Guard naglatag ng rubber boats sa Panatag Shoal

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Chinese Coast Guard naglatag ng rubber boats sa Panatag Shoal
Members of the Chinese Coast Guard (CCG) are seen holding cameras as they block the vessel of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) in Scarborough Shoal Sea on September 22, 2023.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagpasok ng mga mangingisdang Pinoy ay naglatag ng rubber boats sa paligid ng Panatag Shoal ang Chinese Coast Guard matapos na baklasin ng Philippine Coast Guard ang inilatag nilang floating barrier sa Bajo de Masinloc, kamakailan.

Ayon kay Bigkis ng mga Mangingisda Federation in Masinloc, Zambales Spokesperson Henrelito Empoc, mas tumitindi ngayon ang pagbabantay ng Chinese vessels sa Panatag Shoal.

Sinabi ni Empoc na nakabantay lang ang mga Chinese­ Coast Guard habang ang mga Chinese rubber boats ang siyang nagpapatrulya sa lugar at pinagbabawalang maka­pangisda ang mga  Filipino sa lagoon.

Nabatid na agad na sinusundan ng mga Chinese rubber boats ang mga mangingisda sa tuwing tinatangka ng mga ito na makapasok sa lugar.

Nakakalungkot lamang aniya na ang mga Chinese fishing vessels ay malayang nakakapangisda sa lugar na harapang panggigipit sa mga mangingisdang Pinoy.

Apela ni Empoc sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na alalayan sila upang makapangisda sa lugar.

CHINESE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->