214 arestado sa Comelec gun ban

Nabatid na sa mga naaresto, 211 ang sibilyan, dalawa ang security guard habang isa naman ang elected government official.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Umabot na sa 214 indibiduwal ang inaresto dahil sa paglabag sa Comelec gun ban na ipinatupad nitong Agosto 28.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo bilang bahagi ng paghahanda sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Nabatid na sa mga naaresto, 211 ang sibilyan, dalawa ang security guard habang isa naman ang elected government official.

Lumilitaw na marami ang naaresto sa NCRPO na umabot pa sa 65; Police Regional Office 3 o sa Central Luzon, 46, at PRO7 o sa Central Visayas na mayroong 22.

Mula sa mga naarestong indibidwal ay nasa kabuuang 130 na mga armas na binubuo ng 126 short firearms, at apat na light weapon naman ang nakumpiska’t narekober ng kapulisan.

Ang nasabing bilang ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2. — Borja, Danilo Garcia

Show comments