^

Police Metro

64K katao apektado ni ‘Goring’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumampa na sa 19,370 pamilya o katumbas ng halos 64,000 indibidwal ang apektado ng typhoon Goring sa ilang rehiyon sa bansa, batay sa datos na inilabas kahapon ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, at CAR.

Sa nasabing bilang, 4,000 pamilya o halos 15,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunulu­yan sa 154 mga evacuation centers habang nasa 10,000 katao ang tinutulungan sa labas ng evacuation center.

Samantala, lubog pa rin sa baha ang nasa 103 lugar sa bansa.Nakapagtala rin ang NDRRMC ng landslide at buhawi sa MIMAROPA.

Nakahanda naman ang 2.4 bilyong pisong halaga ng standby funds at pre-positioned relief items ng pamahalaan para ipamahagi sa mga nangangailangan.

TYPHOON GORING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with