Marcos nakamonitor kay ‘Goring’

MANILA, Philippines — Handa ang gobyerno sa epekto na dulot ng bagyong Goring na tumindi pa at naging super typhoon.

Ito ang tiniyak ni Pa­ngulong Ferdinand. “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko sa kanyang X post noong Sabado ng gabi, na nakamonitor ang gobyerno sa sitwasyon sa northern Luzon na nakaranas ng malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin.

Sa post pa ng presidente, naka-preposition na ang mahigit 10,000 food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong lugar sa norte.

Maliban pa rito, naka­antabay na rin umano ang mga disaster and response units kung kinakailangan ng evacuation at rescue operations.

Tiniyak rin ni Marcos na sapat ang supply ng pag­kain at iba pang non-food items hanggang tuluyang lumabas ang bagyo sa bansa.

Show comments