MANILA, Philippines — Pumanaw kahapon si Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.
Sinabi ng tagapagsalita ng DMW na si Tony Nebrija na namatay si Ople ala-1:00 ng hapon.
Hiniling niya sa publiko na ipagdasal si Ople pati na rin ang kanyang pamilya.
Napag-alamang bumalik ang dating sakit na breast cancer ng kalihim na dahilan kaya bumalik ito sa ospital para sa kanyang muling pagpapagamot.
Maaalala na sabay ding namaalam ang dalawang nakakatandang kapatid na lalaki ng kalihim dahil din sa sakit na cancer.
Sina dating Hagonoy Mayor Felix “Toti” Ople at dating mamamahayag na si Blas Ople Jr., ay kapwa namatay sa kanser sa baga.