Traffickers pinagamit ang biktima ng wheelchair para iwas inspeksyon, nabisto — BI

Isinailalim sa ikalawang inspeksyon ng BI-immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang biktima dahil sa maraming butas sa kaniyang pahayag at dito umamin na na-recruit siya para magtrabaho bilang kasambahay sa Lebanon.
Image by Steve Buissinne from Pixabay

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na kanilang nahadlangan ang diskarte ng mga miyembro ng human trafficking nang mabisto nila ito sa paggamit ng wheelchair sa isang babae na biktima nitong Agosto 17 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagtatangka na sumakay ng eroplano patungo sa Thailand.

Isinailalim sa ikalawang inspeksyon ng BI-immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang biktima dahil sa maraming butas sa kaniyang pahayag at dito umamin na na-recruit siya para magtrabaho bilang kasambahay sa Lebanon.

Inutusan umano siya ng kaniyang recruiter na magkunwari na may kapansanan kaya gumagamit siya ng wheelchair para na rin mas maging maluwag sa kaniya ang mga immigration officers at inutusan rin umano siya na burahin ang lahat ng kanilang pag-uusap sa cellphone.

Pinangakuan umano siya ng kaniyang recruiter na kung hindi maaaprubahan ang kaniyang Lebanon visa, dadalhin naman siya sa Hong Kong para doon maghanap ng trabaho.

Show comments