Bangka tumaob sa Rizal: 30 patay

Ang bangkang ito na MBCA Princess Aya na tumaob matapos salubungin ng malakas na hangin at alon na ikinasawi ng 30 sakay sa Brgy. Kalinawan, Binangonan, Rizal.

MANILA, Philippines — Nasa 30 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.

Nagtulung-tulong ang mga residente at Philippine Coast Guard (PCG) para sa search and rescue operation upang iahon ang mga pasahero sa katubigan na karamihan ay wala nang buhay.

Napag-alaman na pauwi na ng Talim Island ang mga pasahero sakay ng MBCA Princess Aya nang salubungin ng malakas na hangin at alon dahilan para tumagilid at tuluyang tumaob ang bangka, ala-1:00 ng hapon.

Dahil dito, nadaganan ang mga sakay na pasahero kaya hindi na nakaahon pa sa tubig at tuluyan nang nalunod.

Ayon sa lokal na Disaster Risk Reduction and Management ay 22 lamang ang nakalagay sa manipesto ng bangka, habang nagpapatuloy ang kanilang search and rescue operation.

Show comments