Gamutan sa TB hanggang 4 buwan na lang — DOH

The Philippines is on track with the government’s goal of 2.5 million TB cases treated by 2022 and a TB-free record by 2035.
DOH #TBFreePH campaign

MANILA, Philippines — Planong paikliin ng Department of Health (DOH) ang gamutan sa Tuberculosis (TB) sa apat na buwan mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ipatutupad ito sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon at inaasahan na tataas ang pagsunod ng mga pas­yente sa kanilang gamutan.

Ipinaliwanag ng kalihim na pagsunod rin ito sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na dalawang buwan na paggamot gamit ang isang set ng mga gamot at dalawang buwan muli ng ibang set ng gamot.

Sa pagsusuri ng WHO base sa mga ebiden­syang nakalap noong 2021, nakita na magkapareho lamang ang resulta ng mas maiksing gamutan sa kasalukuyang anim na buwan, base sa bisa at pagiging ligtas.

Ngunit nilinaw ni Herbosa na patuloy pa ring ibibigay ang anim na buwang gamutan sa mga kaso ng “drug-resistant tuberculosis” o iyong lumalaban na TB sa mga gamot.

Sinabi ni Kezia Lorraine Rosario, DOH’s action officer for the presidential directives on tuberculosis, na dahil mas maiksi ang gamutan ay hindi na maiinip ang mga pasyente sa tagal at inaasahang tataas ang pagsunod nila na susundan ng pagtaas ng antas ng mga gagaling sa sakit.

Show comments