^

Police Metro

P33 milyong ayuda para sa mga biktima ng Mayon, inaayos na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bunga ng nagbabad­yang mapanganib sa ma­lakas na pagsabog ng Mayon Volcano sa Albay ay isinasaayos na nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang nasa P33 milyong halaga ng ayudang cash at relief goods upang ipamahagi sa mga residente na inilikas mula sa Permanent Danger Zone (PDZ).

Ayon kina Romualdez at Tingog Partylist Reps.Yedda Marie at Jude Acidre, bahagi ng nasabing ayuda ay tig-P1-M na alokasyong ibibigay nila sa bawat isang distrito ng Albay.

Ang P30-M ay magmumula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng ahensiya kung saan nakipag-usap na si Romualdez kay Secretary Rex Gatchalian para sa pagpapalabas ng nasabing pondo.

Kabilang naman sa makakatanggap ng ayuda mula sa tanggapan ng Office of the Speaker ay ipaabot sa pamamagitan ng tatlong distrito sa lalawigan ng Albay.

Sinabi ni Romualdez na ang P1-M ayuda sa bawat distrito ng Albay ay hahatiin sa P500,000 cash at P500,000 relief packs mula sa personal na Disaster Respond Fund.

PERMANENT DANGER ZONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with