Bahagyang baba sa presyo ng petrolyo, asahan

Ayon sa oil industry, ang presyo ng diesel ay may konting bawas na P0.25 hanggang P0.50 per liter habang ang pres­yo ng gasolina ay bababa ng P0.50 per liter  at ang presyo ng kerosene ay bababa ng  P0.70 per liter.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaasahan na magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa Martes, matapos ang may isang buwang taas-presyo nitong nagdaang buwan.

Ayon sa oil industry, ang presyo ng diesel ay may konting bawas na P0.25 hanggang P0.50 per liter habang ang pres­yo ng gasolina ay bababa ng P0.50 per liter  at ang presyo ng kerosene ay bababa ng  P0.70 per liter.

Sinasabing ang kakulangan sa oil reserves sa nagdaang buwan ang ugat ng price adjustment dulot naman ng kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Tuwing martes ipinatutupad ang price adjustment.

Show comments