MANILA, Philippines — Mababawasan ang korapsyon sa paggamit ng “e-Gov PH Super App” kung saan pagsasama-samahin na ang lahat ng government online services sa isang plataporma.
Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang pangunahan ang paglulunsad ng super app ng gobyerno sa President Hall sa loob ng Palasyo ng Malacañang.
Ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na sa pamamagitan ng app, magiging simple ang public services at walang “discretion” mula sa government employee.
Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng sistema, ang problema ng publiko sa pakikipagsabwatan sa fixers ay maiiwasan na.
“There is another part of this that is extremely important, that we sometimes do not talk about and that is the lessening of corruption. Because you do not have to talk to a person, wala kang kausap na tao, for the entire process. There’s no discretion that’s being exercised at any point. It’s either yes, no, yes, no… it’s binary,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“That way, it simplifies the process especially for the citizens and there is no discretion being exercised by anyone. Eh kung di mo ko lagyan, hindi ko ipapaano ito. Iipitin ko ito, mga ganon. Kausapin mo si ganito, ganyan, siya magaayos, ‘yung fixer niya. Mawawala na ‘yan. We owe that to the people,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ng Pangulo na ang buong ideya ng e-governance ay marapat na gawin ng Pilipinas sa panahon ng digitalisasyon.