20 estudyante sa Bacolod nahilo sa smoke machine
MANILA, Philippines — Nasa 20 estudyante ng Bacolod City College (BCC) ang nahilo makaraang makalanghap ng usok o colored smoke mula sa props na ginamit sa Physical Education (PE) culmination event na ginanap sa activity center nitong Lunes ng hapon, Mayo 29.
Ayon kay City Administrator Pacifico Maghari III, pitong estudyante ang dinala sa ospital, kung saan lima ang isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, na lahat ay nasa stable condition naman.
Sinabi naman ni BCC administrator Johanna Ann Bayoneta na nakatanggap din ng first aid treatment ang mga apektadong estudyante.
Sakop sa aktibidad ay ang presentation para sa final performance task ng freshmen students na naka-enroll sa PE classes.
- Latest