^

Police Metro

Mga pulis na nahagip sa video ng P6.7 bilyong anti-drugs ops, kakasuhan

Mer Layson - Pang-masa
Mga pulis na nahagip sa video ng P6.7 bilyong anti-drugs ops, kakasuhan
Photo dated March 16, 2023: Police Sr. M/Sgt. Jerwin Rebosora and M/Sgt. Lawrence Catarata attend a hearing of the Senate committee on public order and dangerous drugs.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang police officers na ka­sama sa video ng operas­yon sa Maynila noong naka­raang taon kung saan P6.7 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam.

“In 10 days malalaman ninyo kung ilang mga pulis na kasama sa video ang fifile-an natin ng kaso,” wika ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

Sinabi ni Abalos na lumikha siya ng isang task force na pangungunahan ni National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairperson Alberto Bernardo para sa kasong ito.Si Abalos ang chairperson ng NAPOLCOM.

Nitong Abril 10 naman, iprinisinta ni Abalos sa media ang isang CCTV footage na nagpapakita na nakaposas si Mayo at malaunan ay pinalaya.

Makikita rin dito ang mga opisyal ng pulis na dumarating at umaalis sa establisimyento kung saan naroroon si Mayo.

Giit ni Abalos, mayroong “massive cover-up” na naganap sa naturang operasyon.

Matatandaang sinibak sa hanay ng Philippine National Police si Police Staff Sgt. Rodolfo Mayo Jr., matapos masamsam ng mga otoridad ang nasa 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa loob ng isang lending firm sa Maynila na pag-aari nito.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, tinanggal si Mayo sa serbisyo matapos aprubahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) na alisin ang tiwaling pulis matapos mapatunayang guilty sa kasong Grave Misconduct at Unbecoming of an officer.

Dahil dito, hindi na maaaring maluklok sa anumang posisyon sa gob­yerno si Mayo at wala nang makukuhang benepisyo mula sa pamahalaan.

NINJA COPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with