4 preso ng Zamboanga City Police pumuga

MANILA, Philippines — Apat na preso mula sa Zamboanga City Police Station ang tumakas kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente, alas-8:00 ng gabi noong Sabado sa nabanggit na police station sa Brgy. Sinunuc.

Nagsasagawa pa ng head count ang pulisya upang makilala ang mga tumakas. Lumilitaw na sinira ng mga presong pumuga ang steel bar ng detention cell.

Nadiskubre ang pagtakas ng apat na preso nang makarinig ng komosyon at sigawan ang mga pulis. Dito na kinumpirma ng isa sa mga preso ang pagtakas ng apat.

Show comments