MANILA, Philippines — Dahil sa pagiging “moot and academic” nito ay ibinasura ng Supreme Court en banc kamakailan ang Petition for Certiorari na humihiling na maideklarang immediately executory ang parusang perpetual disqualification na ipinataw kay dating Surigao del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay Jr.
Sa anunsiyo sa website ng Korte Suprema, ikinatwiran ng mataas na korte na naisapinal na ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh. ang hatol laban kay Pichay ukol sa G.R. No. 257342 (Mary Elizabeth Ortiga Ty (Ortiga-Ty) v. House of Representatives Electoral Tribunal at Prospero Arreza Pichay, Jr. (Pichay, Jr.).
Kaugnay ito ng desisyon ng Office of the Ombudsman na nagpapataw ng parusang dismissal at accessory penalties na pagkansela sa lahat ng kaniyang mga benepisyo maliban sa ‘leave credits’ at maging ang diskuwalipikasyon sa gobyerno kay Pichay.
Ito ay nang mapatunayan ng Ombudsman na nagkasala si Pichay sa ilalim ng Section 52-A, Rule of the Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service.
Matatandaang nasuspinde si Pichay noong Mayo 2011 nang mag-invest ng P780 milyong pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na pinamumunuan niya ngayon, patungo sa Express Savings Bank Inc. ng Laguna.
Pinagtibay ng Supreme Court noong Enero 2022 ang ‘perpetual disqualification from service’ ni Pichay.