Higit 1 milyong batang Pinoy, sangkot sa child labor

Base sa ‘Special Release on Working Children Situation for 2019 to 2021’ na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Marso 3, mayroong 1.37 milyong bata na nagtatrabaho sa ngayon. Nasa 935,000 ang sangkot sa child labor.
STAR / File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na higit 1 milyong Pinoy ang sangkot sa child labor sa bansa.

Base sa ‘Special Release on Working Children Situation for 2019 to 2021’ na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Marso 3, mayroong 1.37 milyong bata na nagtatrabaho sa ngayon. Nasa 935,000 ang sangkot sa child labor.

Pinakamarami sa mga bata ang nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura at pinakamataas ang insidente ng child labor sa Northern Mindanao Region.

Dito umano palalakasin ng DOLE ang kanilang pag-monitor sa mga batang laborers at pagsasagawa ng hakbang para maalis sila dito.

“The Marcos administration remains steadfast in prioritizing the elimination of child labor in the country. Under Chapter 3 of the Philippine Development Plan 2023-2028, the target for the indicator ‘number of child laborers’ is zero,” saad ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Show comments