Buntis, tiklo sa P21 milyong shabu

MANILA, Philippines — Isang babaeng buntis ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation at nakumpiskahan ng nasa P21 milyon halaga ng shabu sa Lapu-Lapu City.

Ang suspek ay kinilala sa pangalang Letlet na nakuhaan ng 3 kilo ng shabu isang buy-bust operation sa Sitio Soong, Brgy. Maribago, Lapu Lapu City.

Lumilitaw na ang suspek ay ni-recruit ng kanyang pinsan para sa illegal drug activity at operasyon sa Mandaue at Lapu-Lapu.

Nabatid na ang suspek ay may kasong pagnanakaw sa Maynila at nang makapagpiyansa ay dinala ng kanyang pinsan sa nabanggit na lalawigan para gawin drug dealer.

Show comments