MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 1,000 violators sa simula ng full implementation ng exclusive motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City, kahapon.
Batay sa datos ng MMDA, nasa kabuuang 1,238 ang nahuli sa mga paglabag sa exclusive MC lanes pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali kahapon na kinabibilangan ng 482 na motorsiklo at 757 na private cars.
Nabatid na ang multa na P500 ang ipinapataw sa mga driver ng motorsiklo at private vehicle drivers na lumabag sa exclusive MC habang P1,200 ang PUV drivers.