Sa kabila ng Negros lockdown…
MANILA, Philippines — Nakapuslit pa rin patungo sa ibang lalawigan ang apat pang sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kabila ng hakbang ng pamahalaan na harangan ang lahat ng exist points sa lalawigan.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakabiyahe patungong Mindanao ang apat sa mga ito.
“They moved to another place in Mindanao from Negros, and then they moved to another place,” wika ni Remulla.
Dagdag pa ni Remulla, “the last four suspects [referring to the four who recently surrendered] were able to escape, get out of the crime scene and go back to their headquarters in their own way. There’s a story about how it happened.”
Samantala, lalawakan din ng PNP ang imbestigasyon upang makilala ang mga tao na nasa likod upang makatakas sa Negros Oriental ang apat na suspek sa kabila ng lockdown at nakarating sa Mindanao.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na sinisilip ng mga imbestigador ang mga indibidwal na sangkot sa pagpapatakas sa apat na suspek sa Degamo slay.
“Tinitingnan natin na may tumulong dito na paano nakalabas ng probinsya ng Negros Oriental,” wika ni Fajardo.
Sa kasalukuyan, apat ang naaresto ng mga otoridad, ang ikalima naman ay nasawi sa bakbakan at ang lima naman ay sumuko.
Sa nasabing bilang, siyam sa mga ito ang may direktang partisipasyon sa pagpatay kay Degamo at siyam iba pa habang ang ika-10 suspek ay nasa rest house kung saan nagtago ang mga bumaril.
Matatandaan na nang mangyari ang pag-atake kay Degamo noong Marso 4, agad naglunsad ang pulis at militar ng hot pursuit operation dahilan para maaresto ang apat at masawi ang isa.