Marcos, Vise Presidente Sara, NCR mayors, solons performance survey inilabas ng RPMD

MANILA, Philippines — Nakatanggap si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ng 77% approval at 83% trust ratings­ habang si Vice President Sara Duterte ay mayroong 75% approval at 81% trust ratings­ batay sa inilabas ng RPMD “Boses ng Bayan-NCR” survey na isinagawa noong Peb. 25- Marso 8.

Nanguna rin sa National Capital Region (NCR) mayors performance survey si QC Mayor Joy Belmonte-94%; statistically tied naman sa ikalawang pwesto sina City Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon, Along Ma­lapitan ng Caloocan, at John Rey Tiangco ng Navotas sa 91% ratings.

Nagtabla sa ikatlong pwesto sina Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano at Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. -90%; Mayor Abigail Binay ng Makati at Vico Sotto ng Pasig ay magkaparehong 87% approval rating.

Nasa ikalimang puwesto sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Imelda Aguilar ng Las Piñas-84%;Ruffy Biazon ng Muntinlupa-83%, Lani Cayetano ng Taguig-80%, Honey Lacuna ng Manila -80%, Wes Gatcha­lian ng Valenzuela City -78%, Eric Olivarez ng Parañaque (78%), Francis Zamora ng San Juan -75% at Ike Ponce III ng Pateros (72%).

Sa NCR District Representatives ay sina Toby Tiangco (92.5%) ng Navotas City, Camille Villar (923%) ng Las Piñas City, at Oca Malapitan (92.1%) ng Caloocan City ay istatistikal na nagtabla sa unang pwesto.

Ang ikalawang pwesto ay sina Marvin Rillo (88.7%) ng Quezon City, Marivic Co-Pilar (88.5%) ng Quezon City, at Boyet Gon­zales II (88.3%) ng Mandaluyong City.

Tabla sa ikatlong pwesto sina Franz Pu­maren (86.6%) ng Quezon City, Dean Asistio (86.4%) ng Caloocan City, at Patrick Michael “PM” Vargas (86.2%), Stella Quimbo (84.4%) ng Marikina City, Tony Calixto (84.3%) ng Pasay City, at Roman Romulo (84.1%) ng Pasig City. Nagtabla sa ikaapat na puwesto sina Gus Tambunting (82.7%) ng Parañaque City, Jaye Lacson-Noel (82.5%) ng Malabon City, at Arjo Atayde (82.4%) ng Quezon City ang nagtabla naman sa ikalimang puwesto.

Show comments