MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P77 milyong halaga ng pula at puting sibuyas ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna ni Commissioner Bienvenido Rubio sa 18 containers sa Manila International Container Port (MICP) noong Marso 10.
Nabatid na hiniling ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS-MICP) Field Office, na pinamumunuan ni Chief Alvin Enciso, ang pisikal na pagsusuri sa mga subject shipment, base sa derogatory information mula sa China.
Ang mga shipments ay sakop pa umano ng ilang Bills of Lading at iba’t ibang goods declaration at sinasabing naglalaman ng pizza dough at fishball.
Nang suriin ng BOC-MICP ang mga kargamento ay nakumpirma na naglalaman ang mga ito ng misdeclared na pula at puting sibuyas, at iba pa na paglabag sa Department of Agriculture (DA) Department Circular No. 04 Series of 2016.
Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy, ang mga pizza dough na ginamit para itago ang pula at dilaw na sibuyas ay hindi sakop ng kinakailangang lisensya at permit mula sa Food and Drug Administration (FDA), na lumalabag sa Republic Act No. 9711 o ang Foods and Drugs Batas ng 2009.
Kaya’t naglabas si District Collector Arnoldo Famor ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 kaugnay ng Section 117 ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), R.A. No. 9711 at ang D.A. Departamento Circular Blg. 04 Serye ng 2016.