PhilMech head ginawaran ni Pangulong Marcos ng Lingkod Bayan Award

Pangulong Ferdinand Marcos Jr at PhilMech Director/Dr. Dionisio Alvindia
STAR/File

MANILA, Philippines — Ginawaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si PhilMech Director/Dr. Dionisio Alvindia ng Lingkod Bayan Award dahil sa ipinakitang dedikasyon, sipag at talino sa trabaho na isinagawa nitong nakalipas na March 8, 2023 sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Dir. Alvindia ay plant pathologist at scientist ay nakapag-ambag ng malaki para maiangat ang buhay ng libu-libong magsasaka sa bansa kaya pinagkalooban ng Presidential Lingkod Bayan Awardee.

Sa kanyang panana­liksik, masinop na pag-aaral at trabaho ay ipinakilala ni Dir. Alvindia ang natatanging innovations na nagbigay ng “empowerment” at inspirasyon sa lahat ng stakeholders sa agriculture sector sa bansa.

Kabilang sa “notable works” o hindi matatawa­rang trabaho ni Dir. Alvindia ay ang paggamit ng “botanicals” para sa management ng post harvest mango anthracnose.

Mainit ang pagbati at pagkilala ni Pangulong BBM kay Dir. Alvindia habang iniaabot ang award nito.

Taos-puso namang nagpapasalamat si Dir.Alvindia sa Pangulo dahil sa pagkilalang ibinigay sa kanya at nangakong lalo pang pagbubutihin ang kanyang trabaho para sa kapakanan ng libu-libong magsasaka na siyang nagpo-produce ng pagkain sa bansa.

Show comments