MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang abandonadong kotse sa Quezon City, kamakalawa.
Halos naaagnas na ang bangkay ng biktima na nakilalang si Dominic Anthony Tan, nang ito ay makita ng mga bystanders sa loob ng itim na Toyota Vios sedan na nakaparada sa kahabaan ng Capitol Hills Drive, Brgy. Matandang Balara, pasado alas-11:00 ng umaga.
Una nang napansin ng mga TNVS driver at ilang tao sa lugar ang nasabing kotse na bahagyang nakabukas ang pinto.
Nang kanilang lapitan at silipin ang loob ng kotse ay tumambad ang bangkay ng lalaki sa likurang upuan.
Nakilala ang bangkay ng mga imbestigador sa nakuhang identification cards sa loob ng kotse.
Maliban na may bahid na tuyong dugo sa ilong ng biktima ay walang nakita na anumang sugat sa katawan ng biktima. Pansamantalang inilagak ang bangkay sa isang parlor for safekeeping. - Angie dela Cruz