^

Police Metro

Patay sa baha, ulan umakyat na sa 27

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 27 katao ang naitalang nasawi habang nasa 11 naman ang naitalang sugatan dahilan sa shear line na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar sa bansa simula noong ika-2 araw ng Enero.

Base ito sa monitoring sa shear line ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Sabado na nagdudulot ng masamang lagay ng panahon. Ang shear line ay ang pinagsamang init at lamig ng panahon.

Sa datos ng NDRRMC, kabilang sa mga casualties ng shear line ay mula sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Gayundin mula sa Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City) at Bangsa­moro Autononomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente partikular na ang mga residente ng Eastern Visayas dahilan isa pang LPA ang nagbaban­ta sa bansa na namataan sa layong 125 ki­lometro sa silangang bahagi ng Maasin City, Southern Leyte.

PAGASA WEATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with