CPP founder Joma Sison, pumanaw na sa edad 83

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang founding chairperson­ nito na si Jose Maria Sison noong Biyernes ng gabi matapos ang dalawang linggong pagkaka-ospital.

Ito ang kinumpirma ng Communist Party of the Philippines na si Sison, 83-anyos na isang dating lider ng kabataan at propesor sa unibersidad ang nagtatag ng CPP at New People’s Army, ay naka-exile sa Netherlands mula noong huling bahagi ng 1980s.

Inihayag din ng CPP na kahit sila ay nagdadalamhati at sumusumpa silang­ pa­tuloy na ibibigay ang lahat ng kanilang lakas at determinasyon para isulong ang rebolusyon na sinimulan ni Joma na kila­lang tawag kay Sison.

Itinatag ni Sison ang CPP noong Disyembre 26, 1968 at ang New People’s Army na nagsisilbing armed wing nito noong sumunod na taon.

Naaresto si Sison noong 1977 at nakakulong pero nakalaya noong 1986 pag­katapos ng pagbagsak ng diktadurang Marcos. Matapos mabigo ang usapang pangkapayapaan sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1987, tumakas si Sison sa Europa at nag self-exile, kung saan siya nanatili hanggang sa kanyang kamatayan.

Sa oras ng kanyang kamatayan, si Sison ang punong political consultant ng National Democratic Front of the Philippines, na kumakatawan sa CPP at NPA sa usapang pangkapayapaan.

Siya rin ay chairperson emeritus ng International League of People’s Struggles. — Joy Cantos

 

Show comments