^

Police Metro

10 solon sa NCR angat sa performance

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sampung miyembro ng House of Representative ang umangat sa kanilang pagseserbisyo sa buong 2022 batay sa lumabas na survey na isi­nagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Sa National Capital Region, ang top district Representatives ay sina Cong. Toby Tiangco ng Navotas City sa job  performance rating na 93%; Cong. Oca Malapitan ng Caloocan City (District 1) na may 91%; Cong. Marvin Rillo ng Quezon City (District 4) -88%; Cong. Dean Asistio ng Caloocan City (Distrito 3)-86%; Cong. Si Camille Villar ng Las Piñas-85%.

Ang ika-anim hanggang 10 ay sina Representatives Marivic Co-Pilar ng Quezon City (District 6), 84%; Rex Gatchalian ng Valenzuela City (Distrito 1), 83%; PM Vargas ng Quezon City (District 5), 82%; Benny Abante ng Maynila (Distrito 6), 81%; at Arjo Atayde ng Quezon City (Distrito 1), 80%.

Ayon kay RPMD  exe­cutive director Dr. Paul Martinez na “work performance (“representation,” “legislation,” and “constituent service”) hea­vily influences ratings and rankings”.

Lumalabas din sa survey ng RPMD na nakatanggap ng mataas na rating sa National Capital Region (NCR) sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 73% at Vice President Sara Duterte ay 70% para sa kanilang performance sa trabaho.

Ang survey na “RPMD Boses ng Bayan,” na isi­nagawa noong Nobyembre 27-Disyembre 2, 2022 na may kabuuang 10,000 respondents na tinanong.  

HOUSE OF REPRESENTATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with