MANILA, Philippines — “I encourage our Filipino scientists, researchers, inventors and innovators, to continue sharing your expertise, especially to young people. I urge you to stay in the country as you pursue your career. We will continue to support you and continue to look to you to be active partners of the government,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.
Ito ang paghihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino scientists at researchers dahil naniniwala na magiging aktibong katuwang ng gobyerno ang mga ito pagdating sa nation-building nang pangunahan ang 2022 National Science and Technology Week (NSTW) celebration na idinaos sa World Trade Center sa Pasay City.
Binigyang-diin ni Marcos na ang mga nasabing scientists at researchers ay dapat lamang na makatuwang ng national government at iukol ang kanilang kasanayan para iangat ang buhay ng mga Filipino at tumulong sa pagtatayo ng mas sustainable na bansa.
Aniya, dapat na bigyan ng direksyon ng pamahalaan ang science at development field upang ang kalalabasan ng bawat pagsasaliksik ay kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, negosyante, MSMEs at lahat ng mga mamamayan.
“I’ve spoken to some of the researchers and some of the – those that are administering the research institutes around the country, not only agriculture but all kinds of other research and development,” ayon sa Pangulo.
“And they’re willing to take direction from us, from the private sector as to what are the necessary technologies for the Philippines in terms of improving – well again, climate change mitigation, adaptation, and our food supply, our economic transformation, all of these things,” dagdag na pahayag ni Marcos.