MANILA, Philippines — Naniniwala si Department of Health (DOH) Officer in charge Maria Rosario Vergeire na kuwalipikadong umupo sa ahensiya si dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan.
“I think he is very qualified naman dun sa kaniyang mga credentials na nakalagay diyan,” wika ni Vergeire.
“Meron naman ho tayong mga trabaho dito na kailangan din natin talaga for operations,” dugtong pa ng officer in charge ng DOH.
Inulan ng batikos ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Cascolan bilang undersecretary ng DOH dahil sampal at insulto raw ito sa mga medical worker.
Pero, ayon kay Vergeire, prerogative ng Pangulo na magtalaga ng sinuman sa DOH kahit walang medical degree.
Samantala inamin ni Vergeire na kailan man ay hindi siya inalok ni Pangulong Ferdinand Marcos na maging kalihim ng ahensiya.
“No, honestly. It was not offered. I was asked to be an OIC (officer-in-charge),” wika ni Vergeire sa interview ng ANC nitong Huwebes.
Kapag tinalaga siyang DOH secretary, mapipilitan siyang umalis sa puwesto pagkatapos ng termino ni Marcos sa 2028 o kaya ay mas maagang mawawala kapag nasibak sa trabaho.
Kung mananatiling undersecretary ay bababa na lamang ito sa puwesto kapag sumapit sa retirement age.