^

Police Metro

DQ ng Rosal couple sa Albay kinondena

Cet Dematera - Pang-masa
DQ ng Rosal couple sa Albay kinondena

Bishop nagsagawa ng prayer rally

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Simbahang Katolika sa Albay nitong Sabado ang isang prayer rally bilang pagsuporta kina Governor Noel Rosal at misis nitong si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal kasunod ng ibinabang disqualification ng Commission on Elections’ First at Second Division laban sa mag-asawa.

Nanguna sa peaceful rally na tinawag na “Dasal para kay Rosal” si Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi (Albay) sa harap ng Albay Capitol Building at kinondena ang disqualificiation ng Comelec sa mga Rosal na aniya’y labag sa kagustuhan ng mga tao na bumoto sa kanila nitong nagdaang May 9 elections.

 

“We all know that the people of Albay had voted for them because they believe in their leadership. And the accusation that they extended help to the poor during the election ban that caused their disqualification would deny them of their mandate as the duly elected leaders of the people,” pahayag ni Baylon. Sinabi ni Baylon sa harap ng mga dumalo sa rally na siya at mga kapwa pari sa kanilang diocese ay tahasang sumusuporta sa mga Rosal hanggang sa makuha ang hustisya para sa 469,481 Pilipino na bumoto kay Gov. Rosal at asawang alkalde.

“Ayaw na ng mga mamamayan ng Albay na maulit ang matinding kalamidad noong 2006 matapos ang pagtama ng bagyong Reming sa bayan ng Padang kung saan ma­rami ang nasalanta dahil na rin sa illegal quarrying,” giit ni Ajero.

Naghain na ang mag-asawang Rosal ng “motion for reconsideration” sa Comelec en banc.

 

GERALDINE ROSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with