^

Police Metro

5 inaresto sa child exploitation

Danilo Garcia - Pang-masa
5 inaresto sa child exploitation
This undated file photo shows children playing.
UNICEF / Joshua Estey, File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang limang katao na sangkot umano sa “child sexual exploitation” nang salakayin ang bahay na sentro ng kanilang operas­yon at mailigtas ang pitong batang biktima sa lalawigan ng Pampanga kamakailan.

Kinilala ang mga na­aresto na sina Syrra Songco, Ma. Elaiza Songco, Haian Songco, Ailyn Flores y Songco at Albert Flores.

Sa ulat ng NBI-Anti Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD), una silang nakatanggap ng impormas­yon ukol sa isang “Syrra Songco” na nagbebenta ng mga “child sexual abuse or exploitation materials (CSAEM)” sa mga dayuhan.

Ito ay makaraan na isang US citizen na si Charles Wheat ang maaresto­ sa Amerika dahil sa pagtatag­lay, produksyon at pamamahagi ng CSAEM.

Inamin niya na natanggap niya ang mga mater­yales kapalit ng pera buhat kay Syrra na umano’y nang-aabuso ng mga bata sa Pilipinas.

Dito natukoy ng NBI si Syrra at nagkasa ng entrapment operation at sa pamamagitan ng messenger at ipinakita pa sa video call ang bata na iniaalok niya para sa ‘sexual exploitation’.

Nitong Oktubre 6, 2022 nang salakayin ng NBI na armado ng search warrant­ ang bahay ng suspek sa may Sadsad Street, San Roque, Dau Uno, Lubao, Pampanga at naaresto ang mga suspek.

vuukle comment

CHILD EXPLOITATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with