Endemic stage malapit nang maabot

MANILA, Philippines — Malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng CO­VID-19 sa kabila ng pag­luluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon.

“Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon para maabot natin ‘yun,” wika ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante.

Ipinaliwanag ni De­partment of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang kahulugan ng endemic ay kung kailan maabot na ang estado na ang mga kaso ay “stable, constant and predictable” at dito umano magkakaroon na ng balanse sa transmisyon at immunity ng tao.

Sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang henerasyon ng COVID-19 vaccines na target ang Omicron variants­, nagpapakita ito na mas na­ka­kapagprodyus ng mas mabisang mga antibodies at proteksyon kumpara sa unang henerasyon ng bakuna.

Sa pagpasok ng bagong bakuna, inaasahan na mapapahina na nito ang Omicron lineage at maputol na ang transmisyon.

Show comments