Babaeng Chinese na kinidnap sa Pampanga nasagip sa Batangas

MANILA, Philippines — Isang babaeng Chinese na dinukot kamakailan sa Angeles City, Pampanga ang nasagip ng pulisya sa isang convenience store sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Ayon kay Police Regional Office 4-A director Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang biktima ay tubong Shanghai, China at dinukot ng mga hindi pa kilalang Chinese nationals­  sa Angeles City noong Set­yembre 17, 2022.

Ikinulong ang biktima sa loob ng 20 araw sa cage sa loob ng kuwarto ng resi­dential house sa Nueva Villa Subd., Barangay Alangilan, Batangas City.

Nitong Huwebes ay na­gawa nitong makatakas at nasagip ng mga tauhan ng Alangilan Police Community Precinct ng Batangas-PNP.

Nabatid na nagpasak­lolo sa PNP-AKG ang nobyo ng biktima nang hindi na niya ito makontak.

Huling nakita ang bik­tima noong gabi ng Set­yem­bre 16 sa Hammer Disco Light Club sa Barangay Ba­libago, Angeles City kasama ang isang ka­ibigan.

Setyembre 18 nang ma­katanggap ng tawag ang nobyo ng biktima at humihingi ng US$2 milyon o P116 milyon.

Ipinadala rin ng suspek sa nobyo ng biktima ang video clip na hinahataw ito ng baseball bat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na nagsagawa ng operations ang PNP  hang­gang sa makumpirma­ ang lokasyon ng biktima. Na­katakas naman ang suspek.

Inatasan naman ni CA­LABARZON Regional­ Director, Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez, Jr., ang Anti-Kidnapping Group 4A (AKG) at ang mga ope­ra­tiba ng PRO-CALABAR­ZON na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente. - Ed Amoroso, Arnell Ozaeta

Show comments