^

Police Metro

Rodriguez kinumpirma na ‘exit’ na sa Marcos admin

Malou Escudero - Pang-masa
Rodriguez kinumpirma na âexitâ na sa Marcos admin
Ito ang inihayag ni Atty. Victor Rodriguez na hindi na siya parte ng administrasyong Marcos matapos na nagsilbi bilang Executive Secretary sa loob ng tatlong buwan.
Ferdinand Marcos Jr. / Released

MANILA, Philippines — “I confirm that I have completely exited the admi­nistration of President Bongbong Marcos, after having spoken to him at length about my wish to spend most of my time with my family… a very personal decision that was happily made.”

Ito ang inihayag ni Atty. Victor Rodriguez na hindi na siya parte ng administrasyong Marcos matapos na nagsilbi bilang Executive Secretary sa loob ng tatlong buwan.

Nauna rito, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na mayroong Administrative Order No. 1 na nagtatalaga kay Rodriguez bilang presidential chief of staff.

“The fundamental reason for this is the fact that all communications that have transpired between the President and myself are absolutely privileged, something which I shall continue to honor in full recognition of and respect to both the Office of the President and the Office of the Executive Secretary,” ayon kay Rodriguez.

Sinabi pa rin ni Rod­riguez na siya ay pinagtatawanan, sinisiraan at target ng hindi patas na mga komentaryo kung kaya’t na­ngangailangan muna siya ng panahon na makapagpa­hinga at maghilom.

Sa kabilang dako, isa aniyang malaking kara­ngalan na mabigyan siya ng pagkakataon na makapagsilbi sa bansa at hinikayat ang publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta sa administrasyong Marcos.

FERDINAND MARCOS JR.

VICTOR RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with