Pagbabawal sa online gaming, isinulong sa Senado

Sa inihaing panukala ni Villanueva, sinabi niya na kailangan nang ipagbawal ang online gambling dahil masyado nang malala ang masamang epekto sa lipunan kung saan hindi lang pera ang nawawala sa sugal kundi maging ang buhay at ari-arian.
Tory Ho / AFP

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas na nagbabawal sa online gambling o pagsusugal sa pamamagitan ng internet ang isinusulong ni Senate Majority leader Joel Villanueva.

Sa inihaing panukala ni Villanueva, sinabi niya na kailangan nang ipagbawal ang online gambling dahil masyado nang malala ang masamang epekto sa lipunan kung saan hindi lang pera ang nawawala sa sugal kundi maging ang buhay at ari-arian.

 Inihalimbawa nito ang isang 19-anyos na estu­dyante sa Davao de Oro na inaresto ng mga otoridad dahil hindi nabayaran ang P500,000 na pananagutan sa online sabong,gayundin ang isang police Quezon City na nangholdap ng isang remittance company sa Bulacan dahil nabaon sa utang dahil sa e-sabong.

Tinukoy din ng Senador ang pagkawala ng may 34 na sangkot sa e-sabong at ang iba pang report na menor-de-edad ng pagnanakaw sa kanilang mga magulang dahil sa e-sabong.

Sa Senate Bill 1281 ni Villanueva ay makukulong ng isa hanggang anim na buwan at pagmumultahan ng P100,000 hanggang P500,000 ang mapapatunayang tumaya, tumanggap ng taya at nag-transmit ng taya sa online gambling.

 

Show comments