11 civilian informer ng PDEA, tumanggap ng P9.6 milyon pabuya

Nasa 11 informants ang tumanggap ng kabuuang P9,684,257.86 cash reward mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa matagumpay na mga operasyon ng ahensya sa ginanap na awarding ceremony na pinamagatang “Operation Private Eye” sa PDEA National Headquarters sa Quezon City kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Umaabot sa P9.6 milyong pabuya ang tinanggap ng 11 civilian informants ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa idinaos na awarding ceremony sa PDEA National Headquarters sa Quezon City kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang tip na ibinigay sa kanila ng mga naturang impormante ay nagresulta sa pagkaaresto ng ilang high-value drug suspects at pagkakakumpiska ng malaking halaga ng ilegal na droga.

Kabilang aniya sa mga tumanggap ng cash rewards ay ang mga impormanteng kilala lang sa kanilang mga alyas na Dream, Indah, ­Aquaman, Bruno, Datu, Jojo, Mashu, Marvin,  Mambo, Ali at Tin.

Si alyas Dream ay nakatanggap ng pinakamalaking pabuya na umabot sa P8 milyon.

Dahil umano sa tulong ni Dream ay nakapagsagawa ng apat na matagumpay na buy-bust operations ang PDEA na nagresulta sa pagkaaresto ng limang drug suspects at pagkamatay ng apat na iba pa.

Ang pamimigay ng pabuya ng PDEA sa kanilang mga impormante ay isinasagawa sa ilalim ng kanilang programang “Operation Private Eye”, isang citizen-based information collection program na humihikayat sa mga mamamayan na i-report ang mga illegal drug activities sa kanilang lugar. 

Show comments