MANILA, Philippines — Pinuri at pinasalamatan ni Benguet Congressman Eric Yap ang pagsusumikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na estudyante.
Ayon kay Cong.Yap, sa unang araw pa lamang ng pagbibigay ng ayuda ay maraming mag-aaral na ang nabigyan ng DSWD ng educational assistance para sa mga indigent students noong Sabado.
Sinabi ni Cong. Yap, sa nakalipas na maraming taon na ipinatutupad ng DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ay halos hindi ito batid ng mamamayan pero ngayon ay isinapubliko ni DSWD Sec. Erwin Tulfo upang makatulong sa mas maraming disadvantaged individuals na mag-aaral.
“Through Secretary (Erwin) Tulfo, the DSWD opened its doors to make its AICS program more accessible to the indigent youth all over the country,” anang mambabatas.
Ipinaliwanag pa ni Cong.Yap na ang naganap sa payout ng DSWD noong Sabado ay nagpapakita kung gaano kadaming mga indigent students ang nangangailangan ng educational cash aid. “Since his appointment, what he has done is beyond the bare minimum. He could have taken the safer route and sticked with the accustomed work and process in the agency, but he didn’t. He chose to be proactive, attempting to change the routine to help more of those in need. Thus, we seek for the patience and cooperation of our kababayans as the agency continue to enhance their system to help more families struggling during this difficult time,” aniya pa.