MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Senador Pia Cayetano, naglalayon na patawan ng Value Added Tax (VAT) ang lahat na digital transaction.
Sa Senate Bill No. 250 na inihain ni Cayetano, papatawan ng VAT ang lahat ng pagbebenta at barter o palitan ng produkto at serbisyo sa ginawa digitally o electronically o ginamitan ng internet.
Ang mga halimbawa na ginamitan ng internet ay tulad ng online shopping, online video game, social network, online courses at webinars, online news papers at may digital content tulad ng pelikula at musika.
Sa ilalim ng panukala na nakasaad na hindi ito paglikha ng bagong buwis kundi paglilinaw at pagpapalakas ng kapangyarihan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahan ng VAT ang lahat ng digital service provider na nakabase sa loob at sa labas ng bansa.
Base rin umano ito sa panukalang batas na iniakyat ng Kamara sa Senado noong ika-18 kongreso kung saan layunin nito na gawing pantay ang trato at pagpapataw ng buwis sa traditional at digital business.
Nangangahulugan ito na kung may VAT kapag bumili sa aktwal na department store dapat may VAT din kapag bumili sa online shopping platform at kailangang makolekta ng BIR mula sa digital service provider.
Batay sa international report, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na internet economy sa Southeast Asia kung saan nagkaroon ng 12 milyon na bagong digital consumers mula nang magka-COVID-19 pandemic noong 2020.