MANILA, Philippines — Pinuri ni Quezon City Councilor Alfred Vargas ng Quezon City ang mga programa ni Mayor Joy Belmonte at ng lokal na pamahalaan ang pagsusulong ng health promotion sa kabila ng mataas na kaso ng kanser, diabetes, high blood, at sakit sa bato sa lungsod.
Binigyang-pansin ng konsehal ang pinalawak na bike lane program ng lungsod na aniya ay hindi lamang solusyon sa krisis sa transportasyon, ito rin ang magpo-promote ng healthier lifestyle para sa mga residente ng lungsod at maaaring tularan din ng iba pang lokal na pamahalaan.
Ani Vargas bagama’t prioridad pa rin ng lungsod ang pagkontrol sa tumataas na kaso ng COVID-19, hindi pwedeng pabayaan ang mga “non-communicable diseases” na ikinamamatay ng mas maraming Pilipino.
Isa na rito ang kanser na malapit sa puso ng lokal na mambabatas.
Si Vargas ang pangunahing may akda ng National Integrated Cancer Control Act nang siya ay nasa Kongreso na isinulong bilang pag-alala sa kanyang ina na yumao sa cancer at para makatulong sa mga cancer patients at sa kanilang mga pamilya.
Sa ordinansa ni Vargas, ang HPC ang pangunahing magtatakda ng mga polisiyang napapatungkol sa healthy lifestyle, safety, at early detection ng mga sakit.
Magsasagawa rin ng mga programa ang HPC para maging mas health literate ang mga residente ng lungsod at mabigyan ng insentibo ang healthy lifestyle choices.