^

Police Metro

MRT, PNR umatras estudyante sa LRT-2 lang may libreng sakay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binago ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang programang magkakaloob ng libreng train rides sa mga estudyanteng magbabalik-eskuwela na si­mula sa Agosto.

Ayon kay DOTr Under­secretary Cesar Chavez, tanging ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na lamang ang magbibigay ng libreng sakay sa mga estudyante simula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4, 2022.

Sinabi ni Chavez na mas maraming estudyanteng sumasakay sa LRT 2, na siyang dumadaan sa university belt area sa Maynila, kumpara sa Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) at sa Philippine National Railways (PNR).

Matatandaang una nang inianunsiyo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isusubsidiya ng pamahalaan ang pamasahe sa LRT-2 ng mga estudyanteng patungo sa university belt.

Sinabi na rin naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ititigil na nila ang pagbibigay ng libreng sakay dahil sa kakulangan ng pondo.

Inihayag na rin naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na kakailanganin nila ng karagdagang P1.4 bilyong pondo upang ma­ipagpatuloy ang pagkaka­loob ng libreng sakay para sa mga Pinoy commuters.

FREE RIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with