^

Police Metro

Ex-lady solon nanumpa na bilang Quezon governor

Tony Sandoval - Pang-masa
Ex-lady solon nanumpa na bilang Quezon governor
Dra. Helen Tan
doktorahelentan.com/

MANILA, Philippines — Nanumpa na si dating 4th District Representative Dr. Helen Tan bilang kauna-unahang babaeng go­bernadora sa lalawigan ng Quezon matapos  ang landslide victory sa katatapos na halalan noong Mayo 9, 2022 elections.

“Tapos na ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng maliliit sa lipunan. Panahon na ng serbisyong may kabuluhan at pakikinabangan ng lahat. Mula sa Distrito Kwatro at ngayon sa buong lalawigan ng Quezon, handog natin ang serbisyong tunay at natural para sa bawat tao, para sa bawat komunidad, para sa bawat sektor, para sa bawat barangay, para sa bawat bayan at siyudad patungo sa ‘Isang Malusog at Asensadong Lalawigan na Iniangat ng Maasahang Serbisyo at Makapangyarihang Mamamayan,” pahayag ni Gov. Tan sa kanyang talumpati.

Ipinangako nito na kaniyang bibigyang importansya ang kalusugan ng lahat ng mamamayan kasabay ng pagbibigay serbisyo sa edukasyon, agrikultura, kabuhayan, inprastraktura, kalikasan, services for education, agriculture, kapaligiran at turismo at mabuting pamamahala, makaraang magtugumpay ang livelihood, infrastructure HEALING agenda sa 4th District ng Quezon.

Bilang may akda ng landmark na batas na “Universal Health Care Act”, ipinangako ni Gov. Tan ang kanyang paninindigan sa mamamayan ng Quezon na magkaroon ito ng access sa komprehensibong bahagi ng kalidad at cost-effective, promotive, preventive, curative, rehabilitative at palliative na serbisyong pangkalusugan nang hindi mabigat sa bulsa at nagbibigay prayoridad sa kanilang mga miyembro ng populasyon na hindi makaka­yanan ang ganitong uri ng serbisyo.

Itinampok din ni Gov. Tan ang kanyang digitization program na siyang magbibigay daan para sa mas mahusay at epektibong public transaction sa lahat ng social services.

HELEN TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with