ISIS Financer patay sa ­engkuwentro sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang lalaki na sinasabing tagapagsalita ng Islamic State of Iraq and Syria – East Asia (ISIS-EA) sa isang operasyon sa Maguindanao nitong Lunes ng hapon.

Sa isang pahayag, kinilala ng Western Mindanao Command (Westmincom) ang nasawi na si Abdulfatah Omar Alimuden o Abu Huzaifah.

Sinabi ng Wetmincom na si Abu Huzaifah ang namamahala rin sa mga transaksyong pinansyal ng Daulah Islamiyah – Philippines sa ISIS Central.

Ang pinagsanib na elemento ng 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at intelligence units ay naglunsad ng espesyal na operasyon sa Crossing Salbo, Barangay Poblacion sa Datu Saudi Ampatuan.

Show comments