^

Police Metro

Director ng ISELCO na dawit sa pagpatay sa misis ng judge, nagpakamatay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang board of director ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) II na unang idinawit sa pagpatay sa misis ng judge, kamakailan.

Kinilala ng Ilagan City-PNP ang nagpakamatay na si Michael Paguirigan, 59, residente ng Barangay Sta. Barbara, Ilagan City,Isabela dala umano ng matinding  konsensya.

Sa ulat, alas-4:15 habang nakaupo sa sala si Paguirigan ay nagbaril ito sa dibdib at itinakbo sa ospital, subalit idinekla­rang dead-on-arrival.

Si Paguirigan, kasama si General Manager David Solomon Siquian ay unang idinawit ng mga nadakip na gunmen na sina Barry Bulan, 43, at pinsan na si Jervy Bulan, 36, ng Calamagui 1st, Ilagan City na nag-utos umano sa kanila para patayin si Agnes Palce, asawa ng isang hukom at ISELCO II Internal Audit Manager noong alas-5:00 ng hapon ng Mayo 25.

Nitong May 28 ay tuluyang sinampahan ng kaso ang dalawang suspek at itinuturing ng pulisya na lutas na ang kaso at kahapon ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Palce. - Victor Martin

vuukle comment

ISABELA ELECTRIC COOPERATIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with