Simula sa Hunyo 1 P0.78/km toll hike sa SCTEX ipatutupad
MANILA, Philippines — Simula sa Miyerkules, Hunyo 1, magpapatupad ng pagtataas ng toll fee sa P0.78 kada kilometro ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Ayon sa North Luzon Expressway (NLEX) Corp., na subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp. at operator ng SCTEX, aprubado ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment para sa naturang expressway.
Tiniyak ng NLEX na ang naturang toll increase ay tumalima sa regulatory procedures at sumailalim sa masusing pagrepaso. Kinukumpirma rin anila ng increase ang periodic rate adjustments na due noon pang 2017.
Upang makaagapay naman sa adjustment, pagkakalooban ng NLEX ang mga public utility buses (PUBs) ng toll subsidies at hindi muna sila kasama sa toll hike sa susunod na tatlong buwan.
“To support the public utility buses (PUBs) cope with the adjustment, they will be provided toll subsidies and allow them to continue to enjoy the old rates for the next three months,” anang NLEX.
Base sa bagong toll matrix para sa SCTEX, simula sa Hunyo 1, 2022 ang mga Class 1 vehicles na bibiyahe mula Mabalacat City hanggang Tarlac ay may karagdagang bayad sa toll na P31; P61 naman para sa Class 2 vehicles at P92 sa Class 3 vehicles.
Ang mga motorista namang bibiyahe sa pagitan ng Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan, malapit sa Subic Freeport ay may karagdagang bayaring P49 para sa Class 1 vehicles; P98 sa Class 2 vehicles at P147 sa Class 3 vehicles. - Angie Dela Cruz
- Latest