Baste, abala sa virtual workout  

Balik-Pilipinas na si Baste pagkatapos magbakasyon ng higit limang buwan sa Amerika kasama ang kanyang Mommy Shiela at kapatid na si Samsam.

“Nagbonding po ng pamilya namin, nagsakay po kami ng mga roller coaster, sa theme parks,” kuwento ni Baste.

Pagiging fit at healthy ngayon ang gustong gawin ni Baste dahil marami rin daw siyang nakain noong nasa Amerika siya.

Virtual workout ang ginagawa ni Baste at natutunan niya ang kahalagahan ng pag-exercise sa gitna ng pandemya, kung saan nasanay na ang mga bata ngayon sa paggamit ng gadgets. “Galaw-galaw po, hindi lang ‘yung nakatutok. Dapat mag-workout workout muna ngayon. Kahit po nasa bahay kayo, exercise lang din po kayo. Mag-watch lang po kayo ng video sa YouTube na paano mag-workout,” payo pa ni Baste.

Miss na rin daw ni Baste ang pag-host sa Eat Bulaga at pag-arte kaya mapapanood siya bilang guest sa sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa.

20-year-old construction worker, wagi sa AI

Walang naging ingay ang American Idol sa taong ito, pero may hinirang na silang winner at ito ay ang 20-year-old construction worker from Kentucky na si Noah Thompson.

Naging paboritong contestant si Noah sa auditions pa lang para sa season 20 ng AI. Kaya hindi raw nakakapagtaka na siya ang nakauwi ng title sa American Idol at natalo niya sa real-time votes ang mahigpit niyang mga kalaban na sina HunterGirl at Leah Marlene. Nakakuha ng higit sa 16 million votes si Noah. 

Ayon pa kay Noah: “As a kid, all I thought about was just playing music, being famous. But where I’m from, you don’t really get much opportunities. My family, they believe in me. The guys I work with believe in me. But I’ve just never believed in myself … I would have never signed myself up for nothing like this. I’ve never had that confidence. It’s pretty cool to know that somebody believes in you more than you believe in yourself.”

Bilang winner, inawit ni Noah ang kanyang single na One Day Tonight.

Sey ng AI judge na si Katy Perry: “You just swooped in and grabbed every heart in America by singing that song. Do not stop dreaming. There is a plan for you and your life.”

Show comments