Agosto 30 idineklara ni PRRD na National Press Freedom Day

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Agosto 30 ng bawat taon bilang National Press Freedom Day.

Ito’y matapos na pir­­mahan ni Pangulong Du­terte ang Republic Act No. 11699 noong Abril 13, pero inilabas sa media kahapon.

Ang Agosto 30 ng bawat taon ay idedeklarang­ National Press Freedom Day bilang pagpaparangal na rin kay Marcelo H. Del Pilar­, na kinikilalang ama ng Philippine Journalism.Ang nasabing araw ay isang working day.

Upang matiyak na ma­­giging makabuluhan­ ang paggunita sa nasa­bing araw, inaatasan ang lahat ng ahen­siya­ ng gob­yerno, mi­litar, pulisya, mga local­ government units at maging­ ang pribadong sektor na maglaan ng sapat na oras at oportunidad upang makasali ang kanilang mga emple­yado sa mga gaga­wing aktibidad sa loob ng kanilang mga tanggapan.

Nakasaad din sa bagong batas na ang Department of Education, Commission on Higher Education at ang Technical Education and Skills Development Autho­rity ay magkakaroon ng kon­sultasyon sa Office of the President at  public at private media organizations upang pangunahan ang mga aktibidad na magpapakita nang kahalagahan ng mga mamahayag, kanilang kara­patan at mga responsibilidad.

Show comments