‘Teacher Stella’ ‘di natinag sa number 1 sa Marikina
MANILA, Philippines — Hindi natitinag si Marikina Rep. Stella Alabastro-Quimbo na nangungunang kandidato bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod.
Ayon sa pinakabagong survey ng Philippine Survey and Research Center (PSRC) na isinagawa mula Marso 25 hanggang Abril 4, 2022, napanatili ni Quimbo ang kanyang kalamangan sa lahat ng pitong barangay at mga grupong demograpiko kung saan 81% ng respondents ang nagsabi na iboboto nila ito kung naganap ang eleksiyon sa panahong ginawa ang survey.
Mula nang mag-umpisa ang lokal na kampanyahan noong nakaraang buwan, si Quimbo, na kilala bilang “Teacher Stella” sa kanyang distrito, ay panalong-panalo na kumpara sa kanyang mga kalaban sa puwesto na sina Del de Guzman (11%) at Mauro Arce (4%).
Lumitaw sa resulta ng survey na may 4% na undecided at wala namang naitalang abstention. Ang nasabing bagong survey ay tumutugma sa mga naunang survey na isinagawa ng PSRC sa nakaraan kung saan numero uno si Quimbo para sa mga respondent ng Barangays Concepcion Uno, Tumana, Nangka, Parang, Fortune, Marikina Heights, at Concepcion Dos.
- Latest