MANILA, Philippines — Mahigit 1,000 persons deprived of liberty (PDLs) na kasalukuyang nakapiit sa male dormitory ng Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis o TB.
Ito ang sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang PDLs ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas.
Mayroon pa umanong nasa 200 PDLs pa ang naghihintay ng resulta ng kanilang confirmatory tests.
Nabatid na mayroong 5,000 PDLs sa male dormitory ng MCJ.
Una nang iniulat ng BJMP-NCR na mahigit 100 PDLs ng Pasay City Jail ang naka-isolate dahil hinihinalang dinapuan ng TB.