MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas matapos na makapagtala ng 36 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang status ng bulkan kaya ipinagbabawal pa rin ang pagtungo sa mga lugar na idineklarang kritikal.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng hot volcanic fluids sa main crater lake para tumaas ang plumes ng 900 meters.
Paalala ng Phivolcs, nanatiling permanent danger zone ang Barangays Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo, at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel, Batangas.
Hindi rin pinapayagan ang lahat ng uri ng aktibidad sa Taal Lake.