Proclamation rally ng mister ni Ara Mina, dinagsa

MANILA, Philippines — Dinagsa ng nasa mahigit 20,000 supporters ang grand proclamation rally ni Dave Almarinez, mister ng aktres na si Ara Mina noong linggo para sa kanyang kandidatura bilang Kongresista ng unang distrito sa Laguna.

Maituturing na isa sa pinakamalaking pagtitipon­ ng local political rallies na tinagurian na bagong panahon ng politika na walang tigil sa pagtulong at tumi­tingin sa kapakanan ng mga taga-San Pedro City.

Pinuno naman ng mga suporta ni Almarinez ang paligid ng Rosario Eva­cuation Complex ng puti at berde na nagpapakita ng ka­­nilang puwersa sa pagtu­tuos sa congressional derby.

Nangako si Almarinez na nagsilbi bilang 3-term board member ng Laguna na itutuloy ang pagbibigay­ ng oportunidad para sa kanyang constituents at isusulong din ang health care modernization sa pamamagitan ng pag i-invest sa equipment, facilities at personnel gayundin na­ging instrumento din siya sa iba’t ibang proyekto kabilang dito ang pagtatayo ng 10-dialysis facilities sa siyudad.

Show comments