^

Police Metro

Sinovac, maaari nang iturok sa mga bata

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) amendment sa COVID-19 vaccine ng Sinovac upang magamit sa pagbabakuna sa 6 taon pataas.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Rocky Ignacio na unang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagkaka-apruba ng CoronaVac at hinihintay na lamang nilang matapos ang operational details bago mag-administer ng Sinovac vaccine sa mga bata.

Una nang inaprubahan ng FDA ang bakuna ng Pfizer para sa mga batang edad lima hanggang labing-isa sa bansa.

Napaulat na lumalabas sa isang pag-aaral sa Chile mula sa data na nakuha  sa 1.9 mga bata na edad anim hanggang 17 na ang efficacy ng Sinovac at nasa 74 porsiyento.

Naiiwasan umano na maospital ang mga bata na nagkaroon ng COVID-19 na nabakunahan ng Sinovac vaccine.

FDA

SINOVAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with